McDo Commercial
January 16, 2009 @ 2:38 pm | Categories music, pinoy jologs culture
Dear ate leyn,
hi! matagal na akong nagbabasa dito (at sa JS) pero ngayon lang yata kita matatanong tungkol sa mga bagay-bagay. oo nga pala, hindi tungkol sa fashion ang itatanong ko ngayon, pasensya na. anyway, balita ko sikat daw ngayon sa pinas yung bagong commercial ng mcdo (bg music: huling el bimbo). gusto ko sanang itanong kung anong reaksyon mo sa mga JJ* na di naman talaga naabutan ang eheads pero nakiki-ride sa commercial para masabing ‘in’? sa tingin mo rin ba pwede png sumikat ang eraserheads sa ngayon (kung mgbabati sila) kahit mga tagalized version na ang taste ng karamihan?
xoxo,
lei =)
Alam mo Lei,
Kahit ako di ko naabutan ang E-heads dahil mga Platters, Barbara streisand, at Beegees ang pinapatulan ko noong panahon ng kasikatan nila. Nagsisimula pa lang ako sa pagkamulat ko sa musika nun kaya di ko pa sila pinapansin. Gusto kong magsimula sa basics bago ako makinig ng sikat nong time na yun.
Kung mapapansin mo sa video eh kakilig-kilig naman talaga ito dahil marami sa tao sa panahon ngayon ang nakakarelate dito dahil nakaranas din sila nitong ganitong klase ng eksena sa lablayp kaya minahal siya ng karamihan.
Tungkol naman sa mga JJs na nakiki-ride maging sa tugtugin man o sa komersyal eh ang dapat sa kanila eh pakainin ng maraming Big Mac hanggang sa mamatay sa empatso at palibutan ng mga higanteng speakers ang ulo nila sabay patugtugin sa max volume ang Superproxy ng 500 bajillion times. Pero seriously, hindi na nawawala sa kultura natin ang pagiging “in”. Kahit ano na ata eh nasasakyan natin, ng mga kabataan, at ng mga JJs. Nakakainis mang isipin dahil kumbaga eh nawawalan ng class ang mga tinatangkilik nila pero respetuhan na lang yun. Para naman sa lahat ang musika at ang media kaya karapatan ng lahat na makinabang dito.
At ang pinakamaganda sa Eheads sa palagay ko eh ang pagiging ultimately timeless ng kanilang musika na marahil naging basehan na ng lahat ng banda ngayon. Hindi naman nalaos ang tugtugin ng Eheads. Nawala na ang banda, andiyan pa din ang musika. Hindi mo naman kasi pwedeng matugtog at makanta sa matino (o sa sabugan) na inuman ang tagalized shits, este songs. Andiyan ang kanta ng Eheads para sa lahat lalo na ang pagliligtas sa kantahan kapag walang maisip makanta ang mga lasinggerong tulad ko.
Nagmamahal,
Mariano Juancho
(’wag ka sanang magtampo kung hindi ang may-ari ng sosyalera.net ang sumagot. Sinigurado namang isang batikang blogista ang tutugon kung hindi man si leyn. For sure ay kilala nyo na siya, si Mariano Juancho, ang featured blogger sa latest issue ng PSICOM Nosebleed Magazine. Kaya’t wag nang magpatumpik tumpik pa, bili na!)


For Working Days: You can layer the garbs. Wearing light colored-shirts as undergarment won’t hurt a semi-corporate style because the Coat or Cardigan will do the drama. At least you can remove your Coat after work and still look casual.
Ngek. Ang kengkoy. Bukod sa nawawalang sense of originality ng Philippine Music Industry, lumalabas ang pagiging mababaw ng mga Pinoy (kaya sa aking palagay ay dapat ihanay ang mga kantang ‘to sa mga Novelty songs ni Willie Revillame). Pero magsasawa din ang mga producers sa pagtatagalog ng mga sikat na R&B. Nagkataon lang na hit sila ngayon kaya sinasamantala nila ang craze. Tulad dati, nauso ang mga kantang may double meaning at sa kalaunan ay nalaos na rin.





