Dear Leyn,
Ako ay isa sa mga bajillion readers mo. From JS to Sosyalera hehe. Anyways, hihingi lang sana ako ng mga idea sayo.
#1. Kung ikaw ay isang balikbayan at balak mong umuwi ng pinas this summer, and may budget ka ng 100k, how would you budget it for 2 weeks. I-budget na rin ang beach, gimiks, mga kain kain sa labas, at shopping. hehe.
#2. Ano ang tamang fashion sa panonood ng concert (ex. Journey). Gusto ko kasi pag nag pa pichur pichur ako with Arnel Pineda, medyo presentable naman ako. Considering na winter season dito. I’m in shape din naman, diba round is shape? =)
Thank you ng super advance sa sagot mo. More power..
Camille
Dear Camille,
Actually, malaki na ang 100k na budget for 2 weeks. Hindi naman ako isang bonggang traveller pero magbibigay nalang ako nang mga practical suggestions:

Una, since gusto mo nang beach, kadalasan ang unang papasok sa isip natin ang
Boracay. Actually, afford mo ang Bora pero ang presyo nang damage ay depende sa package na kukunin mo. So, magrerely parin ang budget kung ilan ang kasama mo sa iyong beach trip. The more, the cheaper syempre. (Sorry pero hindi ako makakapag-bigay ng saktong presyo, pero sosyal na ang 15k per head – fare, room share, water activities).
Kung mas trip mo naman ang isang ma-aksyon na bakasyon, bakit hindi mo i-consider ang Water Sports sa Camarines Sur. Mas mura, mas adventurous… minus the white sand beach. Buhay ka na sa halagang 3,150 php (Basic Expenses). Check mo nalang dito ang iba’t-ibang rates.
Gimik ba kamo? Malamang ay dalhin ka ng mga kaibigan mo sa Ascend, High Street. So last season na daw kasi ang Emba. One gimik night can cost you at least 1,500 if you just pay for yourself. Payo ko lang na Friday night kayo gumimik kahit saang bar. Either mga sosyal pero teenagers or mga kabataang pa-conyo wannabe kasi ang crowd kapag Sabado. Haha. Peace!
Kung trip mo naman ang kumain-kain sa labas, mas mabuti pang samantalahin mo na ang mga Pinoy Restaurant at ‘wag kakalimutan mag-Videoke Bar. Kadalasan sa mga Eat-All-You-Can Resto ay 250 pesos at sa Vid Bars naman ay 500 per head. With regards to shopping, I suggest that you buy clothes and accessories not available there, abroad. I’m not sure where you’ll be coming from so I can’t name brands but I assure you that your shopping spree is already included in your 100k. Philippine made products aren’t that expensive anyway.
Btw, lahat nang nabanggit ko ay expenses lang for 1 person. If you’ll be treating family or friends, pasok pa naman sa budget but you’ll have to watch out for the prices and better go with promo packages. Do the math.
Regarding sa tamang pananamit kapag concert, madali lang yan. Unang una, siguraduhin mong naka-closed shoes ka. Since winter dyan, kering-keri mag-Boots pero wag yung high-heels. Maari kasing magka-stampede o tulakan at dyahe naman kung matapakan ka, right?
Kung may choice ba naman ako ay pipiliin kong magka-winter sa Pilipinas para makapag-suot ako ng coat. Kaya magsuot ka ng Coat dahil frustration ko ‘yun. Haha. Kidding aside, kung magsusuot ka nang Coat or Parka Jacket, make sure to button it up during concert. Hindi rin recommended na maglagay ka pa nang scarf dahil baka mawala o lumaylay lang habang nagtatatalon ka.
Leggings, para i-match sa iyong hip-length Coat/Parka Jacket. Mas makakagalaw ka if you’re in a pair of leggings rather than jeans. Also, better put your things in a Body Bag instead of shoulder bag or purse. At least you can move freely and avoid losing your valuables.
Lastly, if you really want to stand out a bit with your attire, wear clothes with vibrant colors. This time, we won’t have to be particular on how you’d look slim since everyone will be in their bulky wintry clothes.
I hope you enjoy your short vacation here in the Philippines and welcome back to our jologs yet colorful culture. At kung gusto mo talaga makapagpa-picture kay Arnel Pineda, manood ka nalang nang live sa ASAP ‘pag uwi mo dito. Wahaha.
Love Lots,
Leyn