Category Archives: pinoy jologs culture

Beautifying Brooch

1
Filed under pinoy jologs culture, women's clothing

Hello Leyn!

Uh… Sorry about the screaming subject headline. But anyway, I think you’ll give me the best advice on what to wear next week—August 14. My organization is about to held this ‘awards party’ where we award org. people for their outstanding work in the org. (Durrr.) Haha.

And the sub-theme as what they’ve indicated is “Brooch”. And the main theme as fashion show…. So any outfit as long as there is a brooch! Dammit, as I know brooch are usually used by old/adult people. Yeah. My perception.

But anyway… there! I really need help. I want ideas. Well, I actually have ideas in my mind but I want more. I know brooches can be either pinned on the outfit or basta anywhere near the neck…or whatever. I don’t really know how to best place it WHERE.

And also.. fashion show. Daaaamn. Well, it’s a challenge ’cause I usually wear just the normal good dresses paired of with the right accessories. I just don’t know how to go out with a BANG!

Thank you very much! I would appreciate your fast response ;P

- aileen

Dear aileen,

I think this is the first time I’m answering a concern promptly so pardon if my response might not be that useful. Anyway, reflect on this – what do you usually see on a regular fashion show?

Couture. High heels. Glam Hairdo.

Quit the usual party dress this time. Be in something different. Everyday is not a runway day so this event comes once in a blue moon. First you need to spy on other people’s planned outfit. The occasion might be kind of formal, or maybe funky. I have no idea but you still have time to figure out because I bet you don’t want to end up looking bizarre among the crowd.

For the brooch, the usual designs are flowers and big gem stones. Try a different taste – like pinned charms and animals.

I don’t suggest that you just pin your chosen brooch on your dress or top like everybody else. So to add style to that brooch thing, fasten it on a flower corsage so it won’t look plain, dull and as is.

Well other event goers might have already thought of attaching a flower on any side of their chest and that’s so 2005. So wear it as a neck accessory instead so you’d look sophisticated and different.

Looks familiar? Yes, these are Serena and Blair dresses. You probably get the idea by now.

Brooches are small so they’re actually not the first thing that will be noticed that’s why you also have to think of your dress. This is an event so in a way, formality is observed but I believe this is a school thing so don’t make yourself look old and bitchy. Buy or borrow a dress with ruffles or full skirt. Avoid too much accessories because your jewelries might not match your brooch.

And lastly, whether you wear a short or long dress, make sure you’re in high heels.

Enjoy shopping this weekend. Need to catch some ZZZs now. Hehe.

Love Lots,

Leyn

McDo Commercial

Comments Off
Filed under music, pinoy jologs culture

Dear ate leyn,

hi! matagal na akong nagbabasa dito (at sa JS) pero ngayon lang yata kita matatanong tungkol sa mga bagay-bagay. oo nga pala, hindi tungkol sa fashion ang itatanong ko ngayon, pasensya na. anyway, balita ko sikat daw ngayon sa pinas yung bagong commercial ng mcdo (bg music: huling el bimbo). gusto ko sanang itanong kung anong reaksyon mo sa mga JJ* na di naman talaga naabutan ang eheads pero nakiki-ride sa commercial para masabing ‘in’?  sa tingin mo rin ba pwede png sumikat ang eraserheads sa ngayon (kung mgbabati sila) kahit mga tagalized version na ang taste ng karamihan?

xoxo,
lei =)


Alam mo Lei,

Kahit ako di ko naabutan ang E-heads dahil mga Platters, Barbara streisand, at Beegees ang pinapatulan ko noong panahon ng kasikatan nila. Nagsisimula pa lang ako sa pagkamulat ko sa musika nun kaya di ko pa sila pinapansin. Gusto kong magsimula sa basics bago ako makinig ng sikat nong time na yun.

Kung mapapansin mo sa video eh kakilig-kilig naman talaga ito dahil marami sa tao sa panahon ngayon ang nakakarelate dito dahil nakaranas din sila nitong ganitong klase ng eksena sa lablayp kaya minahal siya ng karamihan.

Tungkol naman sa mga JJs na nakiki-ride maging sa tugtugin man o sa komersyal eh ang dapat sa kanila eh pakainin ng maraming Big Mac hanggang sa mamatay sa empatso at palibutan ng mga higanteng speakers ang ulo nila sabay patugtugin sa max volume ang Superproxy ng 500 bajillion times. Pero seriously, hindi na nawawala sa kultura natin ang pagiging “in”. Kahit ano na ata eh nasasakyan natin, ng mga kabataan, at ng mga JJs. Nakakainis mang isipin dahil kumbaga eh nawawalan ng class ang mga tinatangkilik nila pero respetuhan na lang yun. Para naman sa lahat ang musika at ang media kaya karapatan ng lahat na makinabang dito.

At ang pinakamaganda sa Eheads sa palagay ko eh ang pagiging ultimately timeless ng kanilang musika na marahil naging basehan na ng lahat ng banda ngayon. Hindi naman nalaos ang tugtugin ng Eheads. Nawala na ang banda, andiyan pa din ang musika. Hindi mo naman kasi pwedeng matugtog at makanta sa matino (o sa sabugan) na inuman ang tagalized shits, este songs. Andiyan ang kanta ng Eheads para sa lahat lalo na ang pagliligtas sa kantahan kapag walang maisip makanta ang mga lasinggerong tulad ko.

Nagmamahal,

Mariano Juancho

(’wag ka sanang magtampo kung hindi ang may-ari ng sosyalera.net ang sumagot. Sinigurado namang isang batikang blogista ang tutugon kung hindi man si leyn. For sure ay kilala nyo na siya, si Mariano Juancho, ang featured blogger sa latest issue ng PSICOM Nosebleed Magazine. Kaya’t wag nang magpatumpik tumpik pa, bili na!)

*JJ = Jumping Jologs

In Tagalog Please?

Comments Off
Filed under pinoy jologs culture

Dear Sosyalera,

Uso na ang mga english songs na tinagalog sa Pilipinas ngayon.Tulad na lang ng Umbrella ni Rihanna na ginawan ng tagalog version ni Miss Ganda.
Meron ka bang opinion or comments tungkol dito? Parang nababaduyan kasi ako ngayon sa mga tagalized songs na yan.Wala ng sense of originality ang Philippine Music Industry kung puro tinagalog na lang yung mga sumisikat na kanta.

Best regards,
MC

Dear MC,

Regarding sa iyong tanong, aktuli ay wala naman tayong magagawa sa konsepto ng pagtatagalog ng mga sikat na kanta. I don’t like it but not totally against the trend. Deadma lang. I just find it comedy at nakakagago ang pagcoconvert sa tagalog…

Ako’y napatid, natisod, natapilok… di maingat sa pagmamahal.from tagalog version of Clumsy.

Ngek. Ang kengkoy. Bukod sa nawawalang sense of originality ng Philippine Music Industry, lumalabas ang pagiging mababaw ng mga Pinoy (kaya sa aking palagay ay dapat ihanay ang mga kantang ‘to sa mga Novelty songs ni Willie Revillame). Pero magsasawa din ang mga producers sa pagtatagalog ng mga sikat na R&B. Nagkataon lang na hit sila ngayon kaya sinasamantala nila ang craze. Tulad dati, nauso ang mga kantang may double meaning at sa kalaunan ay nalaos na rin.

Paniguradong ginawa rin ang mga kantang ‘to para sa masang Pilipino. I’ve checked that you’re residing in UK pero kung nagkataon lang na nandito ka sa Pinas, mapapansin mo na hindi pinapatugtog ang mga Tagalized Songs sa mga Radio Stations na pang Class A-C ang target market. Malay mo, minsan na ring nagreklamo ang mga nakaka-appreciate ng tagalized songs dahil hindi nila nagustuhan ang mga kanta ng Coldplay o Radiohead.

Chill ka lang kung allergic ka sa mga tinagalog na kanta, pagligpas ng ilang buwan ay malamang ibang baduy na music trend nanaman ang mauuso at magtatanong ka ulit sakin. Hehe. ;)

Love Lots,

Leyn