Dear Leyn,
Ako ay isa sa mga libo-libo mong tagahangang sumusubaybay sa iyong blog, at ako’y nagagalak sapagkat mayroon ka ng sariling domain. Kelan ka magpapa-jerjer? *LOLz* Dahil ikaw ay isang sosyalera, hihingi sana ako ng advice tungkol sa mga latest na eau de toilette, eau de cologne at eau de parfum (in short, pabango) ngayon. Ano bang maisu-suggest mong mga pabango, both for men and women? Kung hindi ka naman busy, gawin mo na ding comprehensive at in-depth ang research mo. Paki-categorize naman kung ano ‘yung nababagay sa umaga at sa gabi, alin ‘yung amoy citrusy, amoy woody o floral, at ano ‘yung mga pang-budget conscious at pang-mayaman. Hehehe. Inaasahan ko ang mabilisan mong sagot. Nyahaha!
Regards,
GiDi
Dear GiDi,
Maraming salamat sa buena manong sulat na pinadala mo. Nakaka-tats… Una sa lahat, wag tayong OA dahil hindi naman libu-libo ang sumusubaybay sa blog ko. Pangalawa ay napapaghalata ang kalandian mo dahil sa pinoproblema mo ngayon – pabango. Sa totoo lang, hindi broad ang knowledge ko sa mga pabango dahil allergic ako dito. Pero para tulungan ka ay magbibigay ako ng listahan ng top perfumes na sinurvey ko sa mga sosyalera at sosyalero kong circle of friends. Ito ang mga pabangong nanguna sa kanila:

For Women: 1)Coco by Chanel 2)Anna Sui Perfumes 3)Perry Ellis 360
For Men: 4)Hugo Boss Deep Red (sporty) 5)Burberry London (woody) 6)Lacoste Red (citrus)
Actually ay gumawa na ko ng description each pero nagpagtanto ko na lolokohin ko lang ang mga mambabasa ko dahil kahit anong gawin kong eksplanasyon eh hindi nyo naman maaamoy! Kala nyo…
Isang tip lamang na gumamit ng pabangong citrusy, gourmand at floral tuwing umaga; woody and strong scent naman sa gabi. Isusuggest ko rin na mag-invest ka nalang sa mga mamahaling pabango kaysa bumili ng Afficionado na nanggagaya ng signatured perfumes – dahil hindi mo madadaya ang ilong ng mga sosyal.
Iba-iba rin ang epekto ng pabango depende sa tao. So kailangan may chemistry kayo. Maaaring mas mabango ang Cool Water kay Juan at amoy bumbay ang epekto kay Pedro. Kaya you can’t judge a perfume by it’s first smell.
Trivia: Ang Eau de Parfum ay may 15% aroma compounds, Eau de Toilette ay 10% at Eau de Cologne ay 2-5%.
Pasensya na kung hindi ko na elaborate nang mabuti dahil wala sa bokabularyo ko ang mahahabang posts. Advice ko lang ay i-try mong mag window shopping at amuyin ang mga nabanggit kong brands para maamoy mo in actual. Classic brands ang binigay ko dahil balita ko ay mid-October pa ang release ng mga latest perfume. At kung gusto mo akong pasalubungan, ang pabango ko nga pala ay Light Blue by Dolce & Gabbana. Haha.
Love Lots,
Leyn
P.S. Hindi scripted ang sumulat sakin, talagang nag effort syang padalhan ako ng mail. Itago na lamang natin siya sa pangalang Alex Molina. Hahaha!
